Babae ka Ni Ani Montano
GREGORIO, PRINCESS ANN M. BSCRIM 2-C
Babae ka
Ni Ani Montano
Pagtataya
Narito ang gabay sa pagsusuri at huwag kalimutan na ilagay pa rin sa inyong ginawang blog ang mga sumusunod na sagot sa pagsusuri:
1. Paano inilarawan ang babae sa awit?
=> Inilalarawan ng awit ang babae bilang isang taong may lakas, may kakayahan at may silbi sa mundo. Babae na hindi lang para sa loob ng bahay, kundi babae na kayang magtrabaho, mabuhay, at kayang lumaban para sa kanyang pamilya at para sa bayan.
2. Sang-ayon ka ba sa sinabi sa awit na ang babae ay ganda lang ang pakinabang at sa buhay walang alam? Ipaliwanag.
=> Siguro noong unang panahon oo, dahil ang pilipinong babae noong unang panahon ay nasa loob lamang ng bahay para mag-alaga ng mga anak, mag-luto at iba pang gawaing bahay. Ngunit ngayong panahon iba na, mas marami na tayong babaing makikitang nagtatrabaho para sa kanilang pamilya, mga babaing kayang magtrabaho ng mahihirap na trabaho, mga babaing nagsisikap, nagpapagod, nagpapaka-hirap at nagsasakripisyo para lang mabigay lahat ng kaylangan ng kanyang pamilya at para lang mabuhay sila.
3. Magbigay ng mga halimbawang nagpapatunay na kaya ng babaeng ipaglaban ang kanyang karapatan at kalayaan.
=> Para sakin ang magandang halimbawa upang mapatunayan na kayang ipaglaban ng mga babae ang kanilang sarili, ay yung kaya nilang mabuntis, magdalang tao sa kanilang sinapupunan ng siyam na buwan, kaya nilang magbuhay ng tao, sa pagbubuntis pa lang ng isang babae napapatunayan na nila na kaya nilang ipaglaban sarili nila hindi lang sarili nila pati na rin pamilya nila. Marami pang halimbawa na magpapatunay na kayang ipagtanggol ng babae ang kanilang sarili, kagaya ng mga babaing pulis, sundalo, doctor at iba pang gawain o trabaho na akala natin lalaki lng ang makakagawa kaya din pala ng mga babae at minsan nahihigitan pa nila.
4. Ano-ano ang payo ng may-akda ng awit sa mga babae?
=> Ang payo ng may-akda ng awit sa babae, ay ang lumabas siya sa bahay na pawang kulungan ng nagiging dahilan ng hindi niya pag-unlad, bahay na pawang kulungang pumipigil ng kalayaan ng babae. Buksan, lumabas at harapin ang buhay hindi dahil babae ka sa bahay ka lang, ipagtanggol ang pagiging babae, ibangon ang pagkatao na dati ng nakulong sa bahay. Bumangon, harapin at ipag-laban ang iyong kalayaan bilang babae, babae na malakas at babae na may tungkulin sa bayan.
5. Ayon sa awit, bakit hindi nakikita ang halaga ng mga babae? Umiiral pa rin ba sa kasalukuyan ang gayong akala?
=> Ayon sa awit, hindi nakikita ang halaga ng babae dahil ito ay laging nasa tahanan, hindi lumalabas kaya naging mahina sa paningin ng tao. Hindi na ito umiiral sa kasalukuyan, dahil ngayong panahon kahit saang parti ng mundo babae ang nangunguna, halos lahat na makikita mo sa mundo babae, babaing nagtatrabaho, naglilikod sa bansa natin, at mga babae na nagiging mukha ng bansa, dahil sa lakas at tapang na pinapakita nila, kahit ano mang hirap kaya nilang lagpasan at labanan.
Mungkahing Gawain
1. Sa loob ng kasunod na kahon, gawan ng concept map ang salitang babae.
Comments
Post a Comment