KABANATA III - ARALIN 2 "SANAYAN LANG ANG PAGPATAY" Fr. Albert Alejo, SJ

 GREGORIO, PRINCESS ANN M.   BSCRIM 2-C


KABANATA III - ARALIN 2

Pagtataya 
 

Gabay sa Pagsusuri
 1. Sino ang personang nagsasalita sa tula? Ano ang kanyang sinasabi?
     ➡ Ang persona o may akda ng tulang "SANAYAN LANG ANG PAGPATAY" ay si Fr. Albert Alejo, SJ. Ang sinasabi ng tulang sinulat ni Fr. Albert Alejo, SJ ay tungkol sa sektor nating pumapatay ng tao.

2. Ano’ng hayop ang pinapaslang sa tula? Paano ito natutulad sa pagpaslang sa tao?
     ➡ Ang hayop na pinatay sa tula ay ang butiki. Ang pagpatay ng butiki ay para narin pagpatay ng tao, taong pinapatay ng walang kasalanan katulad sa pagpatay ng butiki, pagpatay sa tao ng walang laban, pagpatay na parang hayop. Minsan bago nila patayin paglalaruan muna nila, kagara ng sa butiki pagnahuli mo puputulin muna ang buntot, babalatan, puputulan ng ulo hanggang sa mamatay at itatapon nalang.

3. Ano ang ibig sabihin ng huling taludtud ng tula?
     ➡ Para sa akin ang ibig sabihin ng huling taludtud ng tula na "Habang ako'y pumapatay, kayo namay nanonood" ay habang siya ay pumapatay ng tao, ang kasama niya naman o mga kaibigang tinitukoy niya sa tula ay nanonood lamang habang sya ay pumapatay na parang wala siyang maling ginagawa, o parang hindi mali ang ginagawa niya na parang tama lnag na pumatay o kumuha ng buhay ng isang tao, at nanonood lnag na parang sanay nang makakakita ng ganung payayari.

4. Kanino iniaalay ng may-akda ang tula? Sino-sino kaya sila?
     ➡ Inaalay ng may akda ang tula sa mga pare o kaibigan nya at para na rin siguro sa mga makakabasa ng tula na sinulat niya. Sila yung mga taong naging kasama niya at nakakaalam ng mga ginawa niyang pagpatay.


Mungkahing Gawain
1. Magsaliksik tungkol sa partikular na kaso ng pagpaslang sa panahon ng 
kasalukuyang administrasyon. Matapos ay gumawa ng maikling reaksyong papel 
hinggil sa kasong nasaliksik.

Mag-ina patay sa pamamaril ng pulis sa Paniqui, Tarlac


     Buhay na ipinahiram ng panginoon, buhay na aalagaan, buhay na walang makakakuha kundi ang panginoon, sapagkat ang buhay na iyon ay pinahiram lamang ng Diyos. Ang pagpatay sa isang inosenteng tao, pagkuha ng buhay na hindi mo dapat gawin, pumatay sa isang ina na walang ginawa kundi ang protekta ang kanyang anak, pagpatay sa dalawang tao ay isang hindi matatawaran na kasalanan, ang pagpatay ay dapat ding kamatayan ang kapalit.

     Disyembre 20, 2020 sa Paniqui Tarlac Philippine isang masamang insidente ang ikinagulo ng mundo at binago ang pananaw ng mga tao sa pulisya. Dalawang tao ang pinatay nang walang away, pumatay ng inosente, pinatay sa kanilang sariling tahanan, at pinatay sa harap mismo ng kanilang pamilya. Ang mag-inang Gregorio ay pinatay ng isang pulis na dapat protektahan ang mga tao, at ang pulis ay pinatay dahil lamang sa akusasyon ng kanyang anak na babae, ang pulis na ito ay maaaring tawaging walang awa at walang puso dahil sa ginawa niya sa pamilyang Gregorio.
     Sa pangyayaring iyon maraming nagbago at marami din kaming natutunan, isa sa mga nagbago ay ang pagtingin ng mga tao sa pulisya na nawawalan ng tiwala sa pulisya dahil lang sa naapektuhan ng pulis ang lahat ng pulisya, nalaman din natin na hindi lamang ang mag-ina ang napatay ng pulisya ngunit pumatay din siya ng ibang tao, kaya maraming mga katanungan ang mga tao kung bakit siya ay malaya pa rin at kung bakit siya ay nagtatrabaho pa rin, ang mga bagay na nangyari ngayon ang dahilan kung bakit ang mga tao sa ating bansa ay hindi na nagtitiwala sa ating pulisya, sapagkat kahit pumatay ka ng maraming tao ay hindi ka pa rin nagkakasala kahit na mayroon kang matibay na ebidensya na hindi pa rin sapat para sa kanila. Hindi natin masisisi ang mga taong hindi nagtitiwala sa ating pulisya sapagkat kung talagang ang pulis ang magpoprotekta sa atin, ang bagay na iyon ay hindi dapat mangyari, kung talagang nagmamalasakit ang pulisya sa buhay ng mga Pilipino dapat silang gumawa ng paraan upang maiwasan ang pagpatay na iyon.
     Hindi pa man ako isang pulis, pero sana isa ako sa magiging pulis na may mabuting magagawa at pulis na susunod at gagawin ang lahat para sa bayan, gagawin ang lahat ng tama para sa bayan. Hindi lang ako sana kaming lahat na mag-aaral ngayon ay isa sa magiging mabuti at tapat na pulis sa susunod.

4. Nakasusulat ng sariling akdang pampanitikang tumatalakay sa iba’t ibang isyu ukol
sa karapatang pantao;
     ➡Lahat ng taong nabubuhay ay may kanya-kanyang karapatan dito sa ibabaw ng mundo, karapatang mabuhay, karapatang magtrabaho, karapatang makapagsalita at marami pa pang iba, ngunit minsan ang mga karapatan na yan ay nawawala sa atin, ipinagkakait sa atin ng mismong kapwa tao natin. Minsan sila pa mismo ang pumapatay sa mga tao, sila pa mismo ang nagnanakaw sa atin, at sila pa mismo ang nagiging dahilan kung bakit nahihirapan ang isang dahil ipinagkait nila ang karapatan ng taong mamuhay ng masagana at payapa.
     Isa sa pinaka-mahalagang karapatan ng tao ay ang karapatang mabuhay, yan ang mahirap gawin o makuha sa buhay dahil kahit sa emosyonal, espiritwal at pisikal ay mahihirapan tayong mabuhay lalo na sa mga pagsubok na dumadating, pero sa pamamagitan ng pagtitiwala at pagmamahal ng Diyos sa atin tayo ay ligtas at kinakaya ang lahat.

5. Mapahahalagahan ang dinamikong ugnayan ng panlipunang realidad at ng
panitikan.
     ➡ Mahalaga ang dinamikong ugnayan ng panlipunang realidan at ng panitikan, dahil ito ang naging bahagi na ng ating realidad at ito ay bahagi at parti na ng ating pagkapilipino, mahalaga din ito dahil ito ay nakakatulong upang mapalalim pa ang pagpapahalaga natin sa ating sariling panitikan, pahalagahan ang dinamikong ugnayan ng panlipunan realidad at panitikan at ito din ay mahalaga dahil ito ay makakatuloy upang mapataguyod ng wikang filipino bilang ating wika ng panitikang pambansa ng pilipinas at ito din ay nakaugat sa realidad ng buhay at pangarap nating mga Pilipino.

Comments

Popular posts from this blog

"Isang Dipang Langit" ni Amado V. Hernandez

ISKWATER