ISKWATER

GREGORIO, PRINCESS ANN M.  BSCRIM2-C

 

KABANATA 2 - GAWAIN 1


Pagtataya 

     Narito ang gabay sa pagsusuri at huwag kalimutan na ilagay pa rin sa inyong ginawang blog ang mga sumusunod na sagot sa pagsusuri: 


1. Ano ang sentral na paksa ng sanaysay?

Ang sentral na paksa ng sanaysay, ay ang araw-araw na buhay ng tao sa isang iskwater, at kung ano man ang mga bagay na nangyayari sa iskwater.


2. Mayroon bang paksa na ‘di tuwirang tinalakay sa teksto? Magbigay ng halimbawa.

Para sa akin, ang paksang di tinalakay ay ang pagsisikap upang makabangon sa pagiging mahirap, dahil para sa akin kahat ng tao mayaman man o mahirap tayong lahat ay nagsisikap para makabangon at para makaranas ng maganda at masaganang buhay.


3. Ano ang layuninng may-akda sa pagtalakay sa paksa? Ipaliwanag

Layunin ng may akda, ay ibahagi sa lahat ng taong makakabasa nito kung gaano kahirap ang kanilang buhay sa iskwater, at nais niyang ibahagi ang kanyang mga nararamdaman at nararanasan sa kanyang buhay.


4. Ano-anong mga ideya ang sinasang-ayunan mo sa sanaysay? Bakit? Ano-ano naman ang mga hindi mo sinasang-ayunan? Bakit?

Sinasang-ayunan

*Ang mga mahihirap ay di kalian man makakatira sa lugar ng mga mayayaman.

Sang-ayun ako sa sanaysay na ito, dahil ang mga mahihirap ay hindi kayang bumili ng lupa na para tayuan ng kanilang bahay, kagaya ng mga bahay at lupa na tinitirahan ng mga mayayaman. Kaya sila naninirahan minsan sa iskwater, kalye, o minsan palaboy-laboy nalang.

*Nangako ang gobyerno na may nakahandang lilipatang lupa ang mga galing sa iskwater. Pero ang iba naman ay patuloy paring naghihintay.

Sang-ayun din ako dito, dahil may mga bagay na pinapangako ang isang tao sa gobyerno o ang mga nasa gobyerno, ngunit minsan hindi natutupad, minsan kinakalimutan nalang, at minsan matagal pa bago magawa o maibigay.

*Malaki ang sanhi ng kahirapan at ang epekto nito sa mga kabataan na nakakaranas ng kahirapan.

Sang-ayun ako dito, dahil ang pagiging mahirap ay minsan nagiging dahilan ng patigil ng mga kabataan sa pag-aaral at nagiging resulta o dahilan ng pagtigil at pagsira ng kanilang mga pangarap.

Hindi sinasang-ayunan

*Ipinanganak na mahirap at mamamatay ng mahirap.

Hindi ako sang-ayun sa sanaysay na ito, dahil wala naming tao ang mag-sasabi ng ganyang salita, dahil bilang isang Pilipino kilala tayo sa pagiging masikap at nagtitiis sa lahat para lamang maka-ahon sa hirap at makaranas ng maginhawang buhay.


5. Paano ka nakakaugnay sa mga kaisipang nakalahad sa teksto?Ipaliwanag.

Nakakaugnay ako o naiintindihan ko ang mga kaisipan o mga bagay na nakalahad sa teksto, dahil naranasan ko din sa buhay ang pagiging mahirap, yung walang makain, o hindi alam kung san kukuha ng panggastos sa paaralan, hindi man ako nakatira sa iskwater, alam ko ang pakiramdam ng nahihirapan sa buhay ang pakiramdam na mahirap.


6. Gaano kahalaga ang pagtalakay ng sanaysay sa paglilinaw sa konseptong iskwater? Nabago ba nito ang pananaw mo sa kahulugan ngiskwater?Ipaliwanag.

Mahalaga ang pagtatalakay sa konsepto ng iskwater, dahil sa pamamagitan nito mas maintindihan ng magbabasa ang layunin na gustong ipahiwatig ng may akda. Oo, dahil ang pagkaka-alam ko ang nakatira lamang sa iskwater ay ang mga mahihirap na tao, taong walang kayang bumuli ng sariling lupa upang tayuan ng kanilang bahay, pero ngayon ko lang nalaman na may mga mayayaman palang nakatira at nakikipag-siksikan sa iskwater.


7. Paano maiuugnay ang teksto sa realidad ng lipunan sa kasalukuyan?Ipaliwanag.

Ang iskwater sa teksto, para sa akin ay malayo sa iskwater ngayon, dahil ngayon marami ng iskwater ang binibili at pinapatayuan ng mga malalaking gusali at iba pa. Ang iskwater dati na madudumi, madaming bahay, at mabaho ay nilinis, dahil nagiging sanhi ng baha, at nagiging dahilan ng pagkakasakit ng mga tao.


Mungkahing Gawain

1. Gawan ng concept map ang salitang iskwater sa loob ng kahon.








Comments

Popular posts from this blog

"Isang Dipang Langit" ni Amado V. Hernandez