Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo ni Rolando A. Bernales

GREGORIO, PRINCESS ANN M.  BSCRIM 2C

Ang Pagiging Bakla ay Pagkabayubay rin sa Krus ng Kalbaryo

ni Rolando A. Bernales


1. Ipaliwanag ang pamagat ng tula. Bakit gayon ang sinabi ng may-akda sa pamagat?

     =>Ang pamagat ng tula ay nagpapahiwatig na ang pagiging isang bakla o ang buhay ng isang bakla ay parang isang taong nakapako at nakabitin sa krus. Gayon ang sinabi ng may akda sa pamagat, dahil ang pagiging bakla ay maraming mga mahihirap at masasakit na pinagdadaanan, ang buhay ng bakla ay parang isang taong nagpapasan ng krus na mabigat at walang sapin sa paa, isang taong pinako sa krus at nakabitin. Sa buhay ng bakla hindi mawawala ng hirap at sakit na pinagdadaanan nila, dahil sa bawat hakbang na kanilang ginagawa may mga taong titignan si sila mula ulo hanggang paa na parang pinapatsy na nila ng tingin katulad ng tingin sa taong nakapako sa krus tingin na parang may pinatay kang tao, hindi din mawawala ang tawa nila tawang parang isang payaso ang tingin nila sa mga bakla, minsan hindi din mawawala ang pag-iisip nila ng mga masasama sa bakla.


2. Sino ang sinasabi sa tulang iba’t ibang mukha? Ano ang ginagawa nila?

     =>Ang iba’t ibang mukha na tinutukoy sa tula ay ang mga taong pinagtatawanan, kinukutya at tinititigan ng masama ang mga bakla, mapa bata, mantanda, babae, lalaki, nanay, tatay at iba pa na mga taong walang ginawa kundi husgahan ang mga bakla na kung tutuosin pamilya naman nila sa mata ng Diyos. 


3. Tukuyin ang mga sinasabi sa tulang likong kultura’t tradisyon at bulok na paniniwala.

     =>Ang kultura’t tradisyon na tinutukoy sa tula ay ang pagpapasan ng krus ng walang sapin sa paa, pagpapahirap ng sarili at pagpapako at pagpapabitin sa krus ng mga tao upang mapatawad ng panginoon sa mga nagawa nilang kasalanan, at ang bulok na paniniwala naman na tinukoy sa tula ay ang paniniwala ng ibang tao na ang pagiging isang bakla ay kasalanan sa ating ama at tagapagligtas na si Jesus, tinawag itong bulok na paniniwala dahil kahit minsan hindi naging kasalanan ang pagiging bakla, ang pagiging bakla ay ang pagiging totoo sa sarili nila hindi ito magiging kasalanan dahil kahit minsan ang pagiging bakla ay hindi nakakasakit ng ibang tao at hindi nila tinatapakan ang buhay ng ibang tao, ang totoo na kasalanan ay ang hindi pagtanggap sa kanila at mas piniling husgahan sila at tratuhin na hindi natin kapamilya  ginawa ang taong ng pantay-pantay kaya wala tayong karapatang manapak at mang-api ng kahit isang tao dito sa mundo dahil ang buhay na meron tayo ang hiram lang sa Panginoon.

Comments

Popular posts from this blog

"Isang Dipang Langit" ni Amado V. Hernandez

ISKWATER